Home METRO Magkapatid nalunod sa Taal Lake

Magkapatid nalunod sa Taal Lake

MANILA, Philippines – Patay ang magkapatid na babae habang naliligo sa Taal Lake nitong Sabado, Pebrero 10 sa Laurel, Batangas.

Sa ulat nitong Linggo ng gabi, sinabi ng Philippine Coast Guard-District Southern Tagalog na nakatanggap sila ng ulat na dalawang tao ang nawawala matapos na maligo sa bahagi ng lawa sa Barangay Bugaan East.

Agad na nagpadala ng search-and-rescue (SAR) team ang PCG station sa lugar.

Nang dumating sa pinangyarihan ng insidente, nakita ang wala nang buhay na katawan ni Aira Gene Obejera, 27, residente Lipa City, na nauna nang narekober ng mangingisda gamit ang kanyang bangka.

Kalaunan ay nakuha rin ang walang malay na si Glenda Joy Obejera, 12-anyos.

Dinala sa ospital ang magkapatid ngunit namatay din. RNT/JGC

Previous articleConstruction worker patay nang mahulog sa ginagawang gusali
Next articlePangamba ni Poe sa economic Cha-cha: Magbubukas sa kontrol ng dayuhan