Home NATIONWIDE Pangamba ni Poe sa economic Cha-cha: Magbubukas sa kontrol ng dayuhan

Pangamba ni Poe sa economic Cha-cha: Magbubukas sa kontrol ng dayuhan

MANILA, Philippines – Malaki ang pangamba ni Senador Grace Poe na kapag binago ng Kongreso ang ilang economic provision sa 1987 Constitution, bubuksan nito ang mas malalim na opurtunidad sa dayuhan ng kontrolin ang buong ekonomiya ng bansa.

Sa kanyang opening statement sa ikalawang public hearing ng Resolution of Both Houses No.6, dapat himayin nang mahusay at maingat ang pag-amyenda sa Saligang Batas na nakasandig sa proteksiyon ng Filipino industries tulad sa public services dahil maaaring mabuksan nito ang sinasabing “can of worms.”

“Kailangan nga ba natin ng Cha-Cha para sabihin that we’re open for business? Sabi nila, sarado ang ating ekonomiya. Pero ang totoo, bukas naman talaga tayo sa foreign investors,” ayon kayyPoe sa kanyang opening statement sa pagdinig ng Resolution of Both Houses No. 6 na naglalayon ng Charter change (Cha-cha).

“Would amending the public utilities provisions in our Constitution open the economy or open a can of worms?” dagdag ng chairperson ng Senate committee on public services.

Sinabi ni Poe na marami nang pagkakataon na tinangkang magkaroon ng liberalisasyon sa ekonomiya na hindi ikinokompromiso ang pambansang seguridad o iiwanan ang negosyanteng Filipino.

Binanggit ni Poe ang Republic Act No. 11659 o ang inamendahang Public Service Act (PSA), na kanyang inawtor na humihimok sa bagong players sa airports, railways, and expressways at telecommunications sectors “nang hindi binabago ang Constitution.”

“Guidedly the long line of cases decided by the Supreme Court as to what ‘public utilities’ really are, we carved out public utilities which will remain covered by the 60% Filipino ownership requirement from public services that were opened up by the PSA to full foreign investments,” paliwanag niya.

Kabilang sa public utilities ang distribution at transmission of electricity; petroleum at petroleum products pipeline transmission systems; water pipeline distribution systems, saka sewerage pipeline systems; seaports; at, public utility vehicles.

“Because of the nature of these natural monopolies, we needed to ensure the security and supply of these essential utilities. Siniguro natin na Pilipino pa rin ang may kontrol sa mga ito at kailanman ay hindi makokontrol ng mga dayuhan,” ani Poe.

Ayon pa kay Poe, na nakikita natin ngayon, ipinanunukala ng RBH 6 sa buksan sa pamamagitan ng lehislasyon ang lahat ng public utilities sa foreign ownership, investments, at management nang walang proteksiyon sa Saligang Batas na nakabatay sa pambansan seguridad at domestikong interes.

“Hindi lang ito usapin ng pagpasok ng foreign capital at businesses. Tingnan din natin ang magiging epekto: pwedeng tanggalin sa mga Pilipino ang kontrol sa lahat ng sektor na nagbibigay serbisyo sa publiko,” aniya.

“Pwedeng makontrol ng ibang bansa ang tubig, kuryente, seaports, gasolina, at public utility jeeps natin. Handa ba tayo dito? Kaya ba nating makipagkumptensya sa kanila?” giit pa niya.

Kailangan, aniya na isipin ng nagsusulong ng charter change kung nakasandig talaga sa pag-aamyenda ng ating Saligang Batas ang lahat ng lunaw sa problema sa ekonomiya o mas episyenteng pamamahala ng ahensiya, sugpuin kundi man tuluyang lusawin ang korapsiyon at bawasan ang burukrasya.

“Kung dumaan sa butas ng karayom ang 86 year-old Public Service Act, mas lalong kailangan nating masuyod ang pag-amyenda ng ating 37-year-old na Saligang Batas,” ani Poe. Ernie Reyes