Home METRO Magkasintahang menor tinarakan ng 18-anyos na sawi sa pag-ibig

Magkasintahang menor tinarakan ng 18-anyos na sawi sa pag-ibig

148
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang 18-anyos na lalaki matapos umano nitong pagsasaksakin hanggang sa mamatay ang magkasintahang menor de edad sa loob ng sementeryo sa Morong, Rizal matapos siyang mabigo sa panliligaw.

Kinilala ang mga biktima na isang 12-anyos na lalaki at 13-anyos na babae.

Ini-report ng mga magulang ang pagkawala ng dalawa noong Sabado matapos silang hindi makauwi. Natagpuan ang kanilang duguang bangkay kinahapunan ng Linggo sa loob ng sementeryo sa Barangay San Juan.

Ayon sa pulisya, tumulong pa umano ang suspek sa paghahanap sa mga biktima at sinubukang ilihis ang imbestigasyon sa pamamagitan ng pagturo sa ibang tao bilang salarin.

Ngunit may mga saksi umanong nakakita sa kanya na tumatakbo palayo sa pinangyarihan ng krimen na may dugo sa damit at kamay. Naaresto siya sa follow-up operation at umamin sa krimen.

Napag-alaman din na kamag-anak ng suspek ang babaeng biktima. Humingi siya ng tawad at inaming nagawa ang krimen dahil sa inggit, kalasingan, at galit matapos mabasted.

Mahaharap ang suspek sa kasong double murder. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here