Home METRO 2 utas, 3 sugatan sa bumagsak ng helicopter sa Rizal

2 utas, 3 sugatan sa bumagsak ng helicopter sa Rizal

138
0

MANILA, Philippines — Dalawa ang nasawi at tatlo ang sugatan matapos bumagsak ang isang sibilyang helicopter sa Pililla, Rizal nitong Martes ng umaga.

Ayon sa Facebook post ni Pililla Mayor John Masinsin, limang katao, kabilang ang dalawang dayuhan, ang sakay ng aircraft nang mangyari ang insidente.

Isa sa mga biktima ang idineklarang dead on the spot habang ang isa naman ay dead on arrival sa ospital.

Ang tatlong sugatan ay dinala sa Rizal Provincial Hospital sa Morong para malapatan ng lunas. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here