Home METRO Maglive-in partner na tulak ng droga, huli

Maglive-in partner na tulak ng droga, huli

1
0

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Pinatunayan ng maglive-in partner na magsasama sila ng tapat hanggang sa bilangguan matapos mahuli sila sa ikinasang Anti-illegal drug buybust operation sa Brgy. San Pedro, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Kabilang sa mga suspek ay isang 36-anyos na lalaki na isang driver kasama ang isang 25-anyos na babae na residente ng nabanggit na lugar.

Una rito, nakipagtransaksyon ang mga suspek sa isang otoridad na nagpanggap na buyer ng droga bitbit ang ilang gramo ng shabu.

Nakuha umano sa pagiingat ng mga pinaghihinalaan ang anim (6) na piraso ng transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may bigat na 2.3 grams at nagkakahalaga ng Php15,640 na isinailalim sa imbentaryo kabilang ang isang (1) cellphone.

Itinuturing bilang High Value Individual ang mga suspek kung saan ang isa ay may kasalukuyan pang probationary period dahil sa pagkaka-aresto nito sa kapareho ring paglabag.

Nanguna sa operasyon ang mga operatiba ng Bagabag Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit at Provincial Intelligence Unit ng NVPPO na may koordinayon sa PDEA Region 2 sa pangunguna ni Regional Director Gil Cesario Castro.

Nahaharap ang maglive-in partner sa paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.  (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here