Home METRO Motorsiklo ng delivery rider tinangay ng karnaper

Motorsiklo ng delivery rider tinangay ng karnaper

3
0

LAGUNA, Philippines – Motorsiklo ng delivery rider tinangay ng hindi nakikilalang karnaper matapos na mag deliver ng parcel kahapon sa Purok 1 Barangay Banca Banca Victoria, Laguna.

Kinilala ang biktima na si alyas Patrick, 26, J and T delivery rider, naninirahan sa Barangay Nanhaya ng nabanggit na lugar.

Batay sa salaysay ng biktima sa himpilan ng pulisya dakong alas-  3:00 ng kahapon nang magdeliver ang biktima  ng parcel kung saan iniwan nito ang kanyang susi sa motorsiklo  sa kalsada ng balikan na ng deluver rider ang kanyang sasakyan ay wala na ito .

Samantalang patuloy ang dragnet operation ng Victoria Municipal Police Station para sa agarang ikadarakip ng hindi nakikilalang suspek na nakasuot ng black shirt at dirty white pants ,  tangay ang motorsiklo ng biktima na Honda Click na may plakang D948GE na mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Pila, Laguna. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here