Home NATIONWIDE Magnanakaw patay matapos makipagbarilan sa mga pulis

Magnanakaw patay matapos makipagbarilan sa mga pulis

MANILA, Philippines – Patay ang suspek sa pagnanakaw matapos makabarilan ang mga pulis sa hideout nito sa Barangay Matingain I, Lemery, Batangas nitong Biyernes ng gabi, Marso 22.

Kinilala ng pulisya ang nasawing suspek na si Kelly, 28, ng Barangay Kapasigan, Pasig City.

Sinilbihan ng warrant of arrest ng pulisya ang suspek ngunit tumanggi ito na sumama.

Dito na nagpaputok ang suspek sa mga pulis na gumanti naman kaya tinamaan ito.

Dinala sa ospital ang suspek ngunit idineklarang patay dahil sa tama ng bala.

Si Kelly ay mayroong dalawang warrants of arrest na inisyu ng dalawang regional trial courts sa Pasig City dahil sa pagnanakaw. RNT/JGC

Previous articleNBA: Spurs tupok sa Suns
Next articleEumir Marcial wagi via TKO vs Thoedsak Sinam