DAVAO OCCIDENTAL, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang karagatan sa timog-silangan ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental bandang 6:51 ng gabi noong Sabado, ayon sa PHIVOLCS.
May lalim itong 22 kilometro at itinuturing na aftershock ng magnitude 7.8 at 6.5 na lindol na tumama sa offshore Sarangani at Davao Occidental noong Hunyo 2026.
Naitala ang Instrumental Intensity II sa Kiamba at Malungon, Sarangani, habang Intensity I naman sa Maitum, Malapatan, T’Boli (South Cotabato), General Santos City, Santa Maria (Davao Occidental), at Digos City (Davao del Sur).
Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang pinsala o karagdagang aftershocks mula sa lindol. RNT/MDS