Home NATIONWIDE Magsasaka kay Speaker Dy: ‘Di kami nanlilimos; palay mas pabor na bilhin...

Magsasaka kay Speaker Dy: ‘Di kami nanlilimos; palay mas pabor na bilhin sa mataas na presyo

366
0

MANILA, Philippines – Hindi pabor ang mga magsasaka sa P7,000 na cash assistance na ibibigay ng gobyerno dahil mas pabor ito na mabili sa mas mataas na presyo ang kanilang palay.

Sa joint hearing ng House Committee on Agriculture and Food at House Committee on Ways and Means sinabi ni Danilo Bolos, isang magsasaka mula sa Nueva Ecija, na ang panibagong cash assistance ay tila pagpapakita na ang mga magsasaka ay mga ‘beggars”.

Aniya, kung sila ang tatanungin ay hindi cash assistance na nagmumuka silang mga nanlilimos ang kanilang hangad bagkus ang kanilang nais ay bilhin sa tamang presyo ang kanilang ani na palay.

Aminado si Bolos na ang cash assistance ay hindi sapat, ang kailangan umano ng mga magsasaka ay matumbasan ang kanilang naging hirap sa pagtatanim.

Giit pa ni Bolos na P14 hanggang P15 kada kilo ang inaasahan nilang mabebenta ang ani na palay subalit nabibili lamang ito sa P8 hanggang P10 kada kilo na lubhang lugi.

“Mahal yung fertilizer, inputs at pesticide. Hindi makuha yung kita kaya ang resulta uutang, nasa 3 percengt lang ang kita kada buwan” giit pa nito.

Ang pahayag ni Bolos ay kasunud ng naging pahayag ni House Speaker Faustino Dy na nasa ilalim ng 2026 budget ang P7,000 cash aid para sa may 1 million rice farmers.

Nang marinig ang pahayag ni Bolos nagpaliwanag si Speaker Dy na ang cash aid ay hakbang ng gobyerno para mapanatiling matatag ang sektor ng agrikultura.

“First of all, I apologize for these things. The aid is only out of the government’s yearning to address the needs of our farmers, but this does not mean that we think lowly of you. We regard you highly. We respect your efforts” pahayag ni Dy.

Nanindigan naman si Agriculture panel chief at Quezon 1st District Rep. Mark Enverga na titiyakin ng Kamara sa ilalim ng 20th Congress na maamyendahan ang Republic Act No. 11203 o Rice Tariffication Law upang mas umakma sa pangangailangan ng mga magsasaka. /Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here