Home OPINION MAHIGIT 2K KABATAANG FILIPINO, NAKAHANAP NG BAGONG PAMILYA SA TULONG NG NACC

MAHIGIT 2K KABATAANG FILIPINO, NAKAHANAP NG BAGONG PAMILYA SA TULONG NG NACC

63
0

ISANG bagong simula at pag-asa ang sumalubong sa mahigit 2,000 kabataang Filipino matapos silang matagumpay na maipaampon sa loob at labas ng bansa. Ayon sa huling ulat ng National Authority for Child Care (NACC), ang tagumpay na ito ay bunga ng mas pinaigting na kampanya para sa legal at mabilis na proseso ng adopsyon sa Pi­lipinas.
Domestic at Inter-Country Adoption

Sa datos na ibinahagi ni NACC Assistant Secretary for Operations and Service Rowena Macalintal, sa kabuuang 5,685 batang natulungan ng ahensya, nasa 1,655 ang dumaan sa domestic administrative adoption. Samantala, may 481 kabataan naman ang nakahanap ng bagong tahanan sa ibang bansa sa pamamagitan ng inter-country adoption.

Bukod sa adopsyon, malaki rin ang naging papel ng Foster Care Program, kung saan halos 2,000 kabataan ang kasaluku­yang nasa ilalim ng pansaman­talang pangangalaga habang nag­­hihintay ng kanilang per­ma­nenteng pamilya. Ang mga prog­ramang ito ay bahagi ng alternative childcare services na layuning masiguro na bawat bata ay lumalaki sa isang mapagmahal na tahanan.

Ang Papel ng NACC at RA 11642

Itinatag noong 2022 sa ila­lim ng Republic Act No. 11642 o ang “Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act,” ang NACC ay nagsisil­bing quasi-judicial body sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development o DSWD. Ang batas na ito ang nagpabilis sa proseso ng adopsyon sa pamamagitan ng pag-aalis ng mahabang judicial proceedings, at paggawa rito bilang isang administrative process na lamang.

Panawagan para sa mga Adoptive at Foster Families

Hinimok ni Asec. Macalintal ang publiko na buksan ang kani­lang mga puso at tahanan para sa mga batang naabandona, ina­abuso, at mga ulila.

Ayon sa kanya, ang pagi­ging adoptive o foster family ay isa sa mga pinakamakabuluhang ga­waing maibibigay ng isang tao para sa lipunan.

Kapag ang isang aplikante ay napatunayang karapat-dapat pagkatapos ng masusing assessment, sila ay pagkakatiwalaan ng isang ba­tang magsisilbing tunay nilang anak.

Binigyang-diin din ng NACC na ang lahat ng pasilidad na nagbibigay ng 24/7 residential care sa bansa ay dapat sumailalim sa akreditasyon.

Layunin nitong masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga bata habang nasa ilalim sila ng pangangalaga ng pamahalaan. Sa pamama­gitan ng patuloy na suporta at koordinasyon ng NACC, inaasahang mas marami pang kabataang Filipino ang makakamit ang pangarap na magkaroon ng sariling pamilya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here