Home OPINION MAHIGIT P300B NA BENEPISYO, IBINAYAD NG PHILHEALTH SA MGA OSPITAL NOONG 2025

MAHIGIT P300B NA BENEPISYO, IBINAYAD NG PHILHEALTH SA MGA OSPITAL NOONG 2025

192
0

INIULAT ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) na umabot sa mahigit Php300.45 bilyon ang kabuuang benepisyong kanilang naibayad sa health facilities sa buong bansa noong 2025, na nagpapakita ng malaking pagtaas sa suporta ng ahensya sa sektor ng kalusugan.
Sa nasabing halaga, nasa Php177.70 bilyon ang napunta sa mga pribadong ospital at klinika, habang Php 122.75 bil­yon naman ang naibigay sa mga pampublikong ospital.

Ayon sa PHILHEALTH, ang halagang ito ay katumbas ng 81.72 porsyentong pagtaas kum­para noong 2024, kung saan Php 165.34 bilyon lamang ang kabuuang naibayad na benepis­yo.

Sa nasabing taon, Php7 4.02 bilyon naman ang napunta sa pribadong health facilities at Php 91.32 bilyon sa mga ospital ng pamahalaan.

Binigyang-diin ng ahensya na ang malaking pagtaas sa bene­pisyong naibayad ay patunay ng patuloy nitong pagsisikap na mapabilis ang pagproseso ng claims, tiyakin ang napapanahong bayad sa mga ospital, at palakasin ang financial risk protection ng mga miyembro laban sa mataas na gastusin sa pagpapagamot.

Sinabi rin ng PHILHEALTH na ang mas mataas na disbursement ay kaugnay ng:
– Mas pinalawak na benefit packages para sa mga karaniwang sakit at malulubhang ka­ramdaman;
– Mas aktibong paggamit ng dating KONSULTA Package at iba pang outpatient benefits; at
– Pagtaas ng bilang ng mga Filipino na gumagamit ng PHILHEALTH coverage sa pribado at pampublikong pasilidad.

Dagdag pa ng ahensya, pa­tuloy nitong pinapahusay ang mga sistema nito upang mabawasan ang pagkaantala sa claims processing at matiyak na nananati­ling matatag ang pondo ng PHILHEALTH habang pinapalawak ang akses ng mamamayan sa de­­­kalidad na serbisyong pangkalusugan.

Muling tiniyak ng PHILHEALTH ang suporta nito sa parehong government at private healthcare providers, kasabay ng la­yuning mapalakas ang tiwala ng publiko sa pambansang health insurance program ng bansa.

Samantala, nanawagan si PHILHEALTH acting president at chief executive officer Dr. Edwin Mercado sa publiko na magpa­rehistro sa YAKAP.

Maaa­ring gamitin ng mga miyembro ng PHILHEALTH ang link nito sa eGovPH app upang makuha ang benepisyo mula sa mga accre­dited health provi­der.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here