Home NATIONWIDE Mahinang pagsabog naitala sa Taal Volcano

Mahinang pagsabog naitala sa Taal Volcano

73
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng mahinang na phreatomagmatic eruptions sa Taal Volcano nitong Miyerkoles ng gabi, Abril 29, na nagpakawala ng usok at abo na umabot sa 400 hanggang 600 metro mula sa bunganga ng bulkan.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang mga pagputok bandang 8:52 hanggang 9:03 ng gabi at naitala gamit ang seismic, infrasound, at thermal monitoring systems mula sa Main Crater Observation Station.

“These events generated plumes that rose 400 to 600 meters as captured from the Main Crater Observation Station (VTMC),” ayon sa PHIVOLCS.

Ang phreatomagmatic eruption ay nangyayari kapag nagtagpo ang magma at tubig na nagdudulot ng maliliit na pagsabog ng bulkan.

Nauna na rito ang isang mahinang phreatic eruption noong Abril 21 na nagbuga ng 100 metrong usok, at isa pang minor phreatomagmatic eruption noong Abril 10.

Nanatili sa Alert Level 1 ang Taal Volcano, na nangangahulugang mababa pa rin ang antas ng aktibidad nito.

Muling pinaalalahanan ng PHIVOLCS na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island dahil ito ay permanent danger zone, partikular ang Main Crater at Daang Kastila fissures, gayundin ang paglalayag sa Taal Lake. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here