Home NATIONWIDE Mail order bride modus pinatututukan ng DOJ sa NBI

Mail order bride modus pinatututukan ng DOJ sa NBI

MANILA, Philippines – Pinakilos na ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa dumadaming kaso ng mail order bride modus sa bansa.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty Mico Clavano, mismong si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang nakakuha ng inpormasyon hinggil sa isa sanang mail order bride scheme.

Ang mail order bride scheme ay paraan kung saan ipapalabas na ikakasal ang pinay sa isang dayuhan ngunit gagamitin ito par magtrabaho sa ibang bansa.

Nababahala ang kalihim dahil ang mga ipiniprisintanhlg dokumento ng mga snagkot ay mukhang lehitimo ngunit peke pala ang nakasaad na detalye.

Dahil dito, iniutos ni Remulla sa NBI Anti-Fraud Division para kumilos at alamin ang mga posibleng sangkot na ahensya ng gobyerno na pinagkukunan ng dokumento.

Nangangamba ang DOJ na kung hindi masusugpo ang ganitong gawain ay maaring mawala ang tiwala ng publiko sa mga ahensya ng pamahalaan na nag-iisyu ng mga dokumento. Teresa Tavares

Previous articleGrocery store owners inatasang ipatupad ang P500 monthly discount ng seniors
Next articleHarvard education sa Pinas posible sa economic Cha-cha