Home NATIONWIDE Harvard education sa Pinas posible sa economic Cha-cha

Harvard education sa Pinas posible sa economic Cha-cha

MANILA, Philippines – Harvard university diploma posible na sa mga Pinoy kung papasok ang foreign education sa bansa.

Ito ang magkakasamang pagtiyak ng mga mambabatas kaugnay sa isinusulong na pag amyenda sa economic provisions sa 1987 Constitution.

Sa regular press briefing sa Kamara kapwa sinabi nina Deputy Minority Leader Erwin Tulfo ng ACT-CIS Partylist, House Assistant Majority Leaders Mikaela Angela “Mika” Suansing
ng Nueva Ecija at Raul Angelo “Jil” Bongalon ng Ako Bicol Partylist at House Committee on Labor and Employment Fidel Nograles ng Rizal na maraming posible nang mangyari kung mapapayagan ang pagpasok sa Pilipinas ng foreign education institutions.

“Pag meron hong pumasok na mga ganyan, syempre po itong mga schools natin, yung mga top schools natin, they will strive harder to compete doon sa educational system standards ng mga schools na ‘yan overseas,”pahayag ni Tulfo.

Nakikita din ni Suansing ang kahalagahan nh pagpasok ng foreign education sa bansa.

“Halimbawa po pumasok yung Harvard, pumasok yung MIT, pumasok ‘yung NYU, in terms of training our faculty … pag tiningnan natin ‘yung value in terms of being able to train our faculty, being able to adopt the curriculum of these institutions for the Philippine context, ang laking bagay po nito,” pahayag ni Suansing mayroong Harvard Master’s degree sa Public Policy ..

“Once (their) curriculum are brought to the Philippines, it doesn’t dilute the way that we inculcate the Filipino culture, the Filipino identity, among the Filipino students. There are a lot of safeguards around that, once we allow these institutions to come in, hindi po natin dini-diminish ‘yung oversight functions ng DepEd nor the CHED,” paliwanag ni Suansing.

Sa panig ni Nograles na nagtapos sa
Harvard Law School noong 2016 na hindi mahihirapan ang mga estudyanteng Pinoy na naghahangad ng ng foreign education kung mismong sa bansa ay mayroon na ito.

“On a lighter note, ang Harvard po ay nasa Cambridge, Massachusetts, wala po ito sa Cubao. Napakalayo, mahal po ng pamasahe dun, kaya kung may Harvard na ho dito, eh di dito na po tayo mag-aral. Kaya sang-ayon po ako sa access to education,” ani Nograles.

Para kay Bongalon hindi dapat itanggi sa mga Pinoy ang kanilang karapatan sa quality education.

“Yung oportunidad po na makukuha natin instead of going out to the country and study abroad. No offense, but yung mga mayayaman lang po ang makakapag-afford niyan. But the dream is always to get quality education, get masters degree sa abroad,” ani Bongalon.

Nanindigan ang mga mambabatas na panahon na para buksan ang bansa sa mas malaking mga oportunidad na nalimitahan ng maraming taon dahil.sa restrictive provisions sa Saligang Batas. Gail Mendoza

Previous articleMail order bride modus pinatututukan ng DOJ sa NBI
Next articleSolons sa isyu ng kudeta kay Zubiri: ‘Wag n’yo kami idamay!