Home ENTERTAINMENT Maja at Rambo Pebrero pa nang ikasal

Maja at Rambo Pebrero pa nang ikasal

Manila, Philippines- Kung hindi pa idinaos ang kanilang destination wedding sa Bali, Indonesia ay hindi pa aaminin ni Maja Salvador na civilly wed na sila ni Rambo Nuñez.

Their wedding under civil rites took place on February 14 this year.

Reception followed at the Grand Hyatt Manila kung saan 60 ang kanilang guests.

Maja was dressed in a white Mark Bumgarner wedding gown samantalang naka-cream-colored suit naman si Rambo.

Doubly special raw ang araw na ‘yon dahil bukod sa Valentine’s Day ay ikaapat na anibersaryo nila.

In fairness, inamin ni Maja that she deliberately lied to the entertainment press.

Buti na lang din, naging cooperative ang mga inimbitahan nilang guests.

Mahigpit kasi nilang bilin ay huwag nang i-post ang kanilang civil wedding sa social media.

Sa kabila ng ginawang pagliligaw ni Maja sa press ay may mga nakalusot pa ring balita tungkol sa kanilang kasal.

Nag-leak din naman ito no matter how hard Maja tried to keep it under wraps.

At obyus bang nagsinungaling uli si Maja nang ipagkalat niyang mauuna lang daw ang kanyang kasal kay Maine Mendoza nang tatlong araw, only to find out na nauna si Maine nang isang araw lang?

At least, next time around ay hindi na pagtatakhan kung magsisinungaling uli si Maja kung nagdadalantao na siya.

Panindigan na niya ang pagiging consistent liar! Ronnie Carrasco III