Home NATIONWIDE Majayjay Church idineklarang minor basilica ng Vatican

Majayjay Church idineklarang minor basilica ng Vatican

MANILA, Philippines – Idineklara ng Vatican ang
Saint Gregory the Great Parish Church, o kilala bilang Majayjay Church, sa Majayjay, Laguna bilang minor basilica.

Ito ang kauna-unahang minor basilica sa probinsya, kasunod ng anunsyo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) nitong Biyernes, Enero 31.

Ang naturang decree ay may petsang Enero 25 na nag-ugat sa petisyon ng Diocese of San Pablo sa Laguna na ipinasa sa Vatican noong Disyembre.

Ayon sa 1989 document “Domus ecclesiae,” ang isang simbahan ay maaaring gawaran ng titulong minor basilica kung maabot nito ang mga sumusunod na kondisyon:

Ang simbahan ay itinalaga sa Diyos sa pamamagitan ng isang liturgical rite at maging sentro ng aktibo at pastoral liturgy.

Ang simbahan ay may angkop na laki at may malaking sanctuary.

Mayroong historical value at worthiness ng art ang simbahan.

May sapat na bilang ng mga pari at kapasidad na makapagdaos ng iba’t ibang panahon sa liturgical year sa ‘praiseworthy manner.’

Ipinakilala ang Majayjay Church noong 1576 na nagsilbing kanlungan ng Franciscan missionaries.

Ito ang pinakamalaking parish church sa Laguna sa kasalukuyan, at idineklara rin ito ng
National Museum of the Philippines bilang isang national historical treasure.

“This church and parish is a living testimony of faith, hope and love for us,” saad sa pahayag ni San Pablo Bishop Antonio Maralit Jr.

“But we need to be mindful also that it is also a continuing reminder of our mission together with the Universal Church to bring the Good News to all,” giit niya. RNT/JGC