Home METRO Makati road rage: Rider bugbog-sarado sa tow service team

Makati road rage: Rider bugbog-sarado sa tow service team

MANILA, Philippines – SUMUKO sa pulisya ang driver ng towing trak na sangkot sa pambubugbog sa isang delivery rider sa Lunsod ng Makati nitong Lunes at nagtangkang idipensa ang sarili.

Ayon sa Makati City Police Station, iniimbestigahan pa nila ang naturang road rage sa Barangay La Paz, Makati City, na tatlong towing crew members ang umatake sa delivery rider dahil umano sa bigong towing service sa rider nitong nagdaang Biyernes, March 14.

Kinilala ng pulisya ang biktima si alyas Jayson, delivery driver mula Caloocan City, habang ang mga suspek ay tinukoy na sina Victor, Baron, at Bryan.

Sinabi ng pulisya na hinarang ng tatlong suspek ang delivery van ni Jayson habang binabagtas ang South Superhighway (northbound), bumaba ng towing truck at intake, kinuyog si Jayson na pinagsasapak at pinagsasaksak pa habang nasa loob ng kanyang sasakyan.

Nauna rito, nagkaroon ng mainitang argumento sa pagitan nina Jayson at mga suspek sa Magallanes Exit makaraang mabigo ang tatlo na itow ang van ni Jayson.

Ikinapikon umano ng mga suspek ang ASTA ng biktima na sa tingin nila ay nakakalalake, dahilan para magkaroon ng road rage incident.

Inihahanda ng mga awtoridad ang mga dokumento para sa ihahaing kaso sa piskalya laban sa tatlong suspek. (Dave Baluyot)