Home METRO Amazona nagbalik-loob sa gobyerno

Amazona nagbalik-loob sa gobyerno

STO. NIÑO, Cagayan – Lumantad at tuluyang isinuko ang sarili ng isang dating miyembro ng rebeldeng kilusan o New Peoples Army (NPA) na tinaguriang ‘child warrior’ sa bayan ng Sto. Niño, Cagayan.

Bitbit ni Kumander Guada, 55 anyos sa kanyang pagsuko sa Sto. Niño Police Station ang kanyang armas na isang unit ng Caliber 22 revolver.

Kabilang si Kumander Guada sa mga “child warrior” ng makakaliwang organisasyon. Katorse anyos pa lang daw siya ng sumali sa grupo ng NPA na kumikilos sa kanilang lugar.

Pagkatapos ng kanyang training sa Marag Valley (Luna, Apayao) nagsilbi itong medic sa organisasyon sa matagal na panahon. Taong 2022 nang makatakas siya sa grupo na simula na ng kanyang tuluyang pagtiwalag sa rebeldeng organisasyon.

Sumasailalim pa ang surenderee sa kaukulang tactical interrogation at debriefing na ginagawa ng pulisya. Rey Velasco