Home NATIONWIDE Malakanyang bumwelta kay VP Sara sa hamong lifestyle check kay PBBM at...

Malakanyang bumwelta kay VP Sara sa hamong lifestyle check kay PBBM at sa Kongreso

304
0

MANILA, Philippines – TINANONG ng Malakanyang kung may moral ascendancy si Vice-President Dara Duterte pagdating sa usapin ng korapsyon.

Tugon ito ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang sa ulat na hinamon ni VP Sara si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magsagawa ng lifestyle check sa mga miyembro ng Kongreso.

Sinabi kasi ni VP Sara na, “Mag-lifestyle check ka na diyan, sa mga congressman at sa mga staff nila. Ang dami diyan may bahay sa abroad. Ano pang investigative body ang kailangan mo?” na ang sunod-sunod na tanong nito ay para kay Pangulong Marcos.

“Tanungin natin: May moral ascendancy ba ang Bise Presidente pagdating sa usapin ng korapsyon? Iyon lang po,” buweltang tugon naman ni Castro.

Matatandaang, ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang lifestyle check sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno sa gitna ng kontrobersiya sa flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ani Castro, ang may sakop na ahensiya ng gobyerno ang siyang magsasagawa ng lifestyle checks sa lahat ng patungkol sa flood control projects dahil binibigyan nila ng karampatang tiwala ang mga ito.

Subalit kapag mayroon namang nakitang anomalya sa mga nag-iimbestiga ay maging sila ay iimbestigahan. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here