Home NATIONWIDE Malakanyang, dinipensahan P180-M evacuation centers fund kada rehiyon

Malakanyang, dinipensahan P180-M evacuation centers fund kada rehiyon

1
0
Bumisita sina Mayor Vico Sotto sa Evacuation Centers sa Ilaya Covered Court sa Barangay Santolan at Manggahan Multipurpose Hall sa Barangay Manggahan para silipin ang kalagayan ng mga pamilya na pansamantalang nananatili sa mga ito, dala ng pagtaas ng tubig sa kanilang mga lugar sa malakas na ulan dulot ng Habagat.Bukod sa evacuation centers ay binisita rin ni Mayor Vico ang pumping station sa Barangay Manggahan. DANNY QUERUBIN

MANILA, Philippines – TODO-DEPENSA ang Malakanyang sa pare-parehong P180 million lump sum allocation ng gobyerno para sa bawat rehiyon para sa pagtatayo ng evacuation centers.

Iginiit ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na maraming paraan para i-monitor ang mga proyekto na pinondohan pero hindi natapos.

“Marami po tayong paraan para makita natin kung may mga proyektong napondohan pero hindi nagawa dahil ‘yan naman po ang gusto ng ating pangulo,” ani Castro nang hingan ng komento ukol sa pagkuwestiyon ni Senador Panfilo Lacson sa tig-P180 milyong lump sum allocation para sa pagtatayo ng evacuation centers sa bawat isa sa 17 rehiyon ng bansa, na umaabot sa mahigit P3 bilyon, sa ilalim ng panukalang pambansang badyet para sa 2027.

“Hindi na po nanaisin ng Pangulo na magkaroon ng mga ghost projects na nangyari sa mga nakaraang administrasyong at sa administrasyong kasalukuyan,” ani Castro.

Sa ulat, sinabi ni Lacson, kulang sa detalye ang naturang alokasyon dahil hindi nakasaad kung saan partikular itatayo ang mga evacuation center at kung nakabatay ito sa aktuwal na pangangailangan ng bawat rehiyon.

Aniya, hindi malinaw kung isinasaalang-alang sa paglalaan ng pondo ang bilang ng mga umiiral nang evacuation center at ang pangangailangan ng bawat lugar.

Sinabi rin ng senador na sinusuri nila ng kanyang staff ang iba pang probisyon sa panukalang 2027 budget na maaaring magmukhang “political” o “election budget” bago ang 2028 national elections.

Bukod dito, napansin din umano nila ang malaking halaga ng inilaan para sa ayuda at iba pang social services.

Bagama’t kinikilala ni Lacson ang kahalagahan ng pagbibigay ng ayuda, iginiit niyang dapat tiyakin na nakatuon din ang pambansang badyet sa mga programang magbibigay ng pangmatagalang pag-unlad. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here