MANILA, Philippines – Nagdeklara ang Malakanyang ng special non-working days sa Biliran, Batangas, at Cagayan para ngayong buwan ng Mayo para pahintulutan ang mga residente na magpartisipa sa kani-kanilang ‘historical at cultural celebrations.’
Sa ilalim ng Proclamation No. 1240, idineklara ng Malakanyang ang May 11, 2026, bilang special non-working day sa lalawigan ng Biliran sa pagdiriwang ng foundation anniversary nito.
Sa pamamagitan ng Proclamation No. 1242, idineklara naman ng Malakanyang ang May 20, 2026, bilang special non-working day sa Munisipalidad ng Gattaran, Cagayan, alinsunod sa founding anniversary celebration nito.
Samantala, sa pamamagitan ng Proclamation No. 1241, itinakda ang May 23, 2026, bilang special non-working day sa Calaca City, Batangas, bilang pagbibigay-galang at papuri sa birth anniversary ni General Eleuterio Marasigan.
Samantala, ipinalabas ni Acting Executive Secretary Ralph Recto ang mga proklamasyon na may pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., binigyang diin ang kahalagahan ng pagbibigay sa lokal na komunidad ng pagakataon na gunitain ang mga nasabing okasyon.(KRIS JOSE)