Home NATIONWIDE Castro sa pasasalamat ni Sen. Bato sa pagbibigay proteksyon sa Senador: patas,...

Castro sa pasasalamat ni Sen. Bato sa pagbibigay proteksyon sa Senador: patas, sumusunod sa batas, ‘di karahasan pinaiiral ng administrasyon

87
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nais lamang na ipabatid ng Malakanyang kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na ang administrasyon ay patas at sumusunod sa batas at hindi karahasan ang pinaiiral.

Tugon ito ni Castro sa isang video media interview kay Senador Dela Rosa kung saan pinasalamatan siya nito sa kanyang sinabi sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Martes, Mayo 12, na titiyakin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabibigyan ng proteksyon ang senador alinsunod sa batas kasunod ng kumpirmasyon ng International Criminal Court (ICC) na nagpalabas na ito ng arrest warrant laban sa senador.

“Ang nais lang natin ipabatid kay Sen. Bato at sa lahat na ang administrasyon ni Pangulong Marcos, Jr. ay patas, sumusunod sa batas at hindi karasahan ang pinapairal,” ani Castro.

“Ang lahat ng tulong na maipapaabot sa ating kababayan ng naaayon sa batas ay hindi ipagkakait,” aniya pa rin.

“Kaya kahit ano pa ang kulay ng isang tao, dapat na manatiling interes ng taumbayan ang unahin at hindi ang pansariling pagpapayaman,” dagdag na wika ni Castro.

Nauna rito, sa isang video media interview sa senador, sinabi nito na “Hello, ante kleyr.. Usec. Claire. Huwag kang magalit sa akin huh? hindi kita niloloko. Magpapasalamat lang ako dun sa sinabi mo kanina na this government is willing to give me.. all the rights, yung i-avail ko ung mga legal remedies. salamat, salamat ante kleyr. Thank you huh? thank you, thank you.” (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here