Home NATIONWIDE Malakanyang: Pinas walang ‘moral obligation’ na ibahagi ang findings ng komite ni...

Malakanyang: Pinas walang ‘moral obligation’ na ibahagi ang findings ng komite ni Imee Marcos kay Trump

MANILA, Philippines- Walang “moral obligation” ang Pilipinas para ibahagi ang findings ng Senate Committee on Foreign Relations kay US President Donald Trump upang mapanagot ang nagmamay-ari ng chartered jet na ginamit para ihatid si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa The Hague.

Ang hiling kasi ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ay i-freeze ang assets ng nagmamay-ari ng Gulfstream G550 na nagbitbit kay dating Pangulong Duterte sa The Hague.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na iginagalang ng administrasyong Trump ang prerogative ng Pilipinas pagdating sa mga usapin na may kinalaman sa International Criminal Court (ICC).

“Kaya ko binasa itong provision na ito at nilalaman ng Executive Order, kasi iginagalang po ng bansang US kung ano iyong prerogative ng bansa. Kung ang bansa po natin at pamahalaan natin ay nagkaroon ng pagdedesisyon ayon sa ating RA 9851 at sa pakikipag-cooperate sa Interpol, iyon naman po ay hindi naman po hahadlangan ng US at irerespeto po nila iyong sovereign prerogatives ng bansa,” ang sinabi ni Castro.

”So, wala po akong nakikita na maaring maging dahilan ni Senator Bato para siya ay tumakbo sa US para humingi ng tulong para ma-freeze iyong asset ‘nung may-ari ‘nung aircraft,” aniya pa rin.

Bukod dito ani Castro, kasama ang Pilipinas sa government na major non-North Atlantic Treaty Organization (NATO) ally na at hindi ito saklaw ng EO ni Trump.

“Of course, nakita po natin, nabasa po ang executive order at tiningnan po natin ang definition ng ally/ally of the United States, sinasabi po dito na ang ally na term na ginamit po dito sa executive order ni President Trump, una, the government of a member country of the North Atlantic Treaty Organization or NATO; and a government of major non-NATO ally. As the term is defined by Section 2013 Paragraph 7 of the American Service Members Protection Act of 2002,” ayon kay Castro.

“Noong tiningnan po natin ang definition ang lumalabas dito sa Paragraph 3 ay parang na-enumerate po ang mga bansang Australia, Egypt, Israel, Japan, Jordan, Argentina and the Republic of Korea and New Zealand or Taiwan. Pero noong tiningnan po natin ang Paragraph 7 lumalabas po dito that the term na NATO ally means a country that has been so designated in accordance with Section 517 of the Foreign Assistance Act of 1961,” ang paliwanag nito.

“So, nakita po rin natin ang bansang Pilipinas ay itinuring at na-designate po na major non-NATO ally. So, lumalabas po na parte po tayo sa nababanggit po na executive order pero maliwanag din po sa sinabing executive order na dito po sa bandang sa akin po ay page 9, okay, and I quote, “The United States remains committed to the accountability and to the peaceful cultivation of international order at the ICC. And the parties to the Rome Statute must expect the decisions of the United states and another countries not to subject their personnel to the ICC’s jurisdiction consistent with their respective sovereign prerogatives,” ang litaniya ni Castro sabay sabing, “maging dahilan ni Senator Bato para siya ay tumakbo sa US para humingi ng tulong para ma-freeze iyong asset ‘nung may-ari ‘nung aircraft.”

Sinabi pa ni Castro na kaya niya inihayag ang probisyon at nilalaman ng EO ay dahil iginagalang ng bansang US kung ano ang prerogative ng bansa.

“Kung ang bansa po natin at pamahalaan natin ay nagkaroon ng pagdedesisyon ayon sa ating RA9851 at sa pakikipag-cooperate sa Interpol, iyon naman po ay hindi naman po hahadlangan ng US at irerespeto po nila iyong sovereign prerogatives ng bansa,” ang paliwanag ni Castro.

Sa ulat, sinabi ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na napag-isip-isip niya na nararapat lamang para sa Senate panel on foreign relations na i-forward ang findings nito kay US President Donald Trump, hangad at layon na ipa-freeze ang assets ng nagmamay-ari ng aircraft Gulfstream G550 na nagdala kay dating Pangulong Duterte sa Netherlands.

Inihayag iyo ni Dela Rosa sa public hearing, araw ng Huwebes, matapos kuwestiyunin ni panel head Sen. Imee Marcos ang nagmamay-ari ng private jet na may tail code na RPC5219.

“If Malacanang is cooperating with [the International Criminal Court] albeit patago, kahit dine-deny nila — kahit anong kasinungalingan na pinagsasabi nila [ay] nag cooperate sila dahil nangyari na nga eh, nandoon na si [former] President Duterte, siguro naman it is a moral obligation of this committee also to share our findings to President Donald Trump para kung sinumang may ari ng Gulf Stream na ito na eroplano, kung may ari-arian ito sa America e covered siya sa executive order na pinirmahan ni President Trump,” ang sinabi ni dela Rosa.

Tinuran pa ng senador na kung sinuman ang may-ari ng private jet ay may pananagutan at dapat na maparusahan.

“Sigurado ako na kung may Gulf Stream ka na eroplano, meron kang mga ari-arian sa Amerika, so prepare — prepare for the repercussions of your action,” ang sinabi ni dela Rosa.

“Dahil very clear yan sa executive order na inissue ni President Trump na mananagot kung sino mang mag facilitate ng mga interference ng ICC to their allied countries,” aniya pa rin. Kris Jose