Home NATIONWIDE Malakanyang pumalag sa akusasyon na ipinagkanulo ng administrasyong Marcos si Digong

Malakanyang pumalag sa akusasyon na ipinagkanulo ng administrasyong Marcos si Digong

145
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na hindi ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nagkanulo sa mga filipino kundi mga pasimuno at mga kasabwat na sangkot sa di umano’y crimes against humanity na iniuugnay sa anti-drug campaign ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte.

Ang pahayag na ito ng Malakanyang ay tugon sa sinabi ng legal counsel ni Digong Duterte na si Nicholas Kaufman na ipinagkanulo ng kasalukuyang administrasyon ang dating Pangulo.

Sa press briefing sa Mandaue City, Cebu, pinalagan ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace press officer Claire Castro ang pahayag na ito ni Kaufman, binigyang diin na dapat ay nakatuon sa pagbibigay ng hustisya sa mga biktima ng extrajudicial killings (EJKs) na iniuugnay sa drug war ni Digong Duterte.

Ang ganitong pahayag aniya ni Kaufman ay malinaw na pamumulitika mula sa kampo ng mga Duterte, sabay sabing tinatangka ng kampo ni Digong Duterte na makakuha ng simpatiya gamit ang paulit-ulit na pagkukuwestiyon sa naunang desisyon ng administrasyon na madaliin ang pag-aresto sa dating Pangulo.

“It has been one year since the victims of EJK have seen the ray of justice. The justice that they deserve,” ang sinabi ni Castro.

“It is not the President who betrayed the Filipinos but the perpetrators and co-perpetrators in the commission of the crimes against humanity who betrayed and continuously betray the Filipino people,” dagdag na wika nito.

Ang kampanya laban sa iligal na droga sa Pilipinas, na kilala rin bilang Oplan Tokhang ay isang digmaan laban sa droga noong 1 Hulyo 2016 mula nang umupo bilang pangulo si Digong Duterte.

Pumasok ang Tanggapan ng Tagausig ng International Criminal Court o ICC para imbestigahan ang mga alegasyon ng krimenlaban sa sangkatauhan na umano’y naganap sa Pilipinas, kabilang ang mga pagpatay, tortyur, at karahasang seksuwal, kaugnay ng tinatawag na kampanya laban sa droga o War on Drugs, mula Nobyembre 2011 hanggang Marso 2019.

Noong March 17,2019, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na opisyal ng kumalas ang Pilipinas International Criminal Court

Sa kabilang dako, ‘nagbitiw naman ng salita si Pangulong Marcos na The Philippines has no intention of rejoining the ICC’ bilang tugon sa panukalang bumalik na ang Pilpinas sa hurisdiksyon ng International Criminal Court o ICC.

Matatandaaang kasing isinulong ni ICC prosecutor Karim Khan ang reinvestigation sa kampanya laban sa iligal na droga ng nakaraang administrasyon. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here