MANILA, Philippines- Sinabi ng Malakanyang na ang Pilipinas ay isang independent country at hindi umaakto bilang isang “chess piece” sa kahit na anumang global power.
Sa ulat, sinabi ng foreign ministry ng Tsina na iyong mga “willingly serve as chess pieces” para sa ibang bansa ay maiiwan sa huli.
Nanawagan din ito sa ilang indibidwal sa Pilipinas na huminto sa paglilingkod bilang ‘mouthpiece’ ng ibang bansa para sa personal political agendas.
Ang pahayag na ito ay lumutang bago pa ang nakatakdang pagbisita ni United States (US) Defense Secretary Pete Hegseth sa bansa, sa March 28, araw ng Biyernes.
Sa kabilang dako, sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na kung talagang may malasakit ang Tsina sa katatagan ng rehiyon ay dapat lamang na sumusunod ito sa international law.
“If China really believes in and is concerned about peace and stability in the region, they should abide by international law, they should also respect the sovereignty of each country,” wika ni Castro.
“The Philippines is no one’s chess piece, we are an independent country,” dagdag nito.
Sinabi pa nito na malaya ang Pilipinas na gumawa ng sarili nitong desisyon kaugnay sa ‘defense at security matters.’
“Tayo po ay independent at walang dapat manghimasok sa anuman po na desisyon ng ating pamahalaan,” ang sinabi ni Castro. Kris Jose