Home NATIONWIDE Malaking bahagi ng Luzon apektado ng Amihan

Malaking bahagi ng Luzon apektado ng Amihan

MANILA, Philippines – Apektado ng easterlies at Northeast Monsoon o Amihan ang ilang bahagi ng bansa ngayong Sabado, Enero 25.

Ayon sa PAGASA, ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at CALABARZON ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil sa Amihan.

Ang Caraga, Davao Region, at SOCCSKSARGEN ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa easterlies. RNT/JGC