Home NATIONWIDE Malamig na panahon dulot ng Amihan tatagal ‘gang bukas

Malamig na panahon dulot ng Amihan tatagal ‘gang bukas

177
0

MANILA, Philippines – Posibleng maranasan na lamang hanggang bukas, araw ng Miyerkules, Marso 18 ang malamig na panahon dulot ng Northeast Monsoon o Amihan.

“Unti-unti nang humihina itong Northeast Monsoon natin at ito’y umiiral na lamang sa Luzon at Visayas,” ayon kay PAGASA weather specialist Chenel Domingue.

“Inaasahan natin magtatagal itong northeast monsoon sa bansa natin hanggang Wednesday, at pagdating ng Thursday inaasahan natin unti-unti na tayong makakaranas ng init at alinsangan,” dagdag pa niya.

Sa ulat, magdadala ng pag-ulan ang Amihan sa Batanes, Cagayan, Isabela, Apayao, Aurora, Quezon, Metro Manila, Western Visayas, at nalalabing bahagi ng Luzon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here