Home NATIONWIDE Malampaya Phase 4 maghahatid ng unang gas sa katapusan ng taon

Malampaya Phase 4 maghahatid ng unang gas sa katapusan ng taon

151
0

MANILA, Philippines – Inaasahang makapaghatid ng unang gas ang mga bagong balon sa ilalim ng Malampaya Phase 4 (MP4) project pagsapit ng ikaapat na quarter ng 2026, matapos ang matagumpay na drilling at testing ng Camago-3 well sa offshore Palawan, ayon sa Prime Energy.

Ang Prime Energy, gas unit ng kumpanya ni Enrique Razon, ay nagsabing nasa tamang iskedyul ang Malampaya Consortium, habang isinasagawa ang paglalagay ng subsea pipelines upang maiugnay ang mga bagong resources at mapalakas ang offshore operations.

“Delivering results of this scale in less than three years since the renewal of SC 38 is an amazing achievement and reflects what ‘Top Quartile’ performance looks like in the international Oil and Gas Industry,” ayon sa kumpanya.

“This progress keeps us firmly on track to deliver first MP4 gas in the fourth quarter of 2026 and opens new opportunities to expand the country’s domestic gas resources,” dagdag pa nito.

Kinumpirma rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang development at sinabing makakatulong ito sa layuning masiguro ang abot-kaya at maaasahang suplay ng enerhiya.

“Today, I am proud to announce another step forward in our mission to secure affordable, reliable energy for every Filipino,” ani Marcos.

Tinatayang may 2.5 beses na mas maraming recoverable gas ang Camago-3 kumpara sa Malampaya East-1, at umabot sa hanggang 60 million standard cubic feet kada araw ang resulta ng flow test nito.

“Together, these two wells are projected to extend the life of the Malampaya gas field by an estimated six years,” ani Marcos.

Ang Camago-3 at Malampaya East-1, na bahagi ng $893-milyong MP4 project, ay inaasahang magpapalakas sa natitirang gas reserves at magpapahaba ng operasyon ng Malampaya.

Pinamumunuan ng Prime Energy ang consortium kasama ang UC38 LLC., Prime Oil & Gas Inc., at PNOC Exploration Corp., at nakatakda ring isagawa ang drilling ng Bagong Pag-asa exploration well sa hilaga ng Malampaya.

Dumarating ang development na ito habang itinutulak ng Department of Energy ang paggamit ng mga lokal na pinagkukunan ng enerhiya sa gitna ng pagtaas ng singil sa kuryente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here