Home NATIONWIDE Malinaw na food label kailangan vs obesity sa Pinas – solon

Malinaw na food label kailangan vs obesity sa Pinas – solon

161
0

MANILA, Philippines – Sa katwirang dapat malinaw ang nutrition label sa mga produktong nabibili sa merkado, isang panukalang batas ang inihain ni Malabon City Rep. Antolin Oreta na nagtatakda na ang nutrition facts ay dapat nakalagay sa harapan at hindi sa likod ng mga produkto.

Partikular na nakapaloob sa House Bill No. 6147 o Healthy Food Environment Act na inihain ni Oreta ang probisyon na Front-of-Pack Nutrition Labels (FOPNL). Aniya, ang malinaw na nutrition facts sa harap ay magbibigay ng impormasyon sa mga mamimili kung ito ba ay healthy na dapat bilhin o hindi.

“From children consuming ultra-processed snacks to adults unknowingly exceeding daily sugar, salt, and fat intake, the problem often begins not with choice—but with lack of clear information,” ani Oreta.

Sinabi ni Oreta na sa oras na maisabatas ang panukala ay sisimplehan ang mga terminong nakalagay sa label upang mas mabilis na maintindihan.

“Food product labels are meant to guide consumers, pero ang nangyayari, maraming hindi malinaw na technical terms at mga misleading claims. Ito ang ating aayusin sa panukalang ito,” dagdag ni Oreta.

Nilinaw ng mambabatas na ang bawat Filipino ay may karapatang malaman ang kanilang pagkaing binibili at kinakain.

“When people understand what is in their food, they are more likely to choose better—not because they are forced to, but because they are informed,” pagtatapos nito. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here