MANILA, Philippines – Pumaldo ang isang solong mananaya matapos manalo ng P25.4 milyong jackpot ng Superlotto 6/49 sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office’s (PCSO) nitong Linggo, Agosto 23.
Nahulaan ng mananaya ang winning number na 47-20-36-43-07-06 para sa jackpot ng Superlotto 6/49 na P25,413,563.73.
Ang winning ticket ay naibenta sa Cavite.
Samantala, wala namang nakahula ng winning combination number na 43-34-29-05-41-33 para sa Ultra Lotto 6/58 game. Ang jackpot para rito ay
umakyat na sa P232,608,532.87. RNT/JGC