Home METRO Mangingisda natagpuang patay sa loob ng kanyang bangka

Mangingisda natagpuang patay sa loob ng kanyang bangka

ILOCOS SUR-Isang mangingisda ang natagpuang patay sa loob ng kanyang bangka sa Brgy. Daclapan, Cabugao ng lalawigang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ng Cabugao Municipal Police Station ang biktima na si Antony Somejo y Saribay, 45, may asawa, residente ng naturang lugar.

Ayon sa isa sa mga kasama ng biktima, bandang 10:00 ng umaga ng Hunyo 9, nagpunta sila sa laot, mga more or less 10 miles ang layo sa shoreline para manghuli ng isda.

Pagdating ng 7:00 ng gabi, lumapit sa kanila ang biktima at nagpaalam na uuwi na.

Pagkatapos ng tatlong oras, nagpasyang umuwi na rin sina Willy Agutos at Jesus Darang ngunit pagdating nila sa pampang ay hindi nila nakita ang motorized banca ng biktima.

Nang tanungin nila ang misis ng biktima kung nakauwi na ba ang mister nito, sinabi nitong wala pa ang kanyang asawa.

Bandang 6:00 ng umaga kahapon, Hunyo 10, pumalaot sina Willy Agutos para hanapin ang biktima at natagpuan naman nila ang biktimang nakahiga sa loob ng bangka nito na mukhang hindi na humihinga o patay na.

Agad nilang hinila ang bangka ng biktima at dinala sa pampang.

Isinugod nila ang biktima sa Suero General Hospital ngunit idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso