Home METRO Paghahanda sa ika-126 Araw ng Kalayaan puspusan na!

Paghahanda sa ika-126 Araw ng Kalayaan puspusan na!

MANILA, Philippines – Kasama ang Philippine Army at mga kadete ng Philippine Military Academy, isinagawa ang pagsasanay sa gagawing selebrasyon ng ika-126 Araw ng Kalayaan sa harap ng Rizal Monument.

Kung saan itatampok ang sabayang pagtataas ng bandila sa buong bansa, bukas, Hunyo 12, ganap ng 8:00 ng umaga sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Bong-Bong Marcos Jr.

Susundan naman ito ng pag-aalay ng bulaklak kay Gat Jose Rizal at ibat-ibang maghapon aktibidad kasama ang Civic Parade sa Quirino Grand Stand. Crismon Heramis