CAPIZ- PATAY ang isang mangingisda matapos tamaan ng kidlat habang sugatan ang kasama nito matapos silagn tamaan ng kidlat habang nangingisda sa karagatan sakop ng probinsyang ito.
Kinilala ang nasawi na si Alfie Moreño, 26 habang sugatan ang kasama nitong Geward Sandoval, kapwa tubong San Jose, Antique at nakatira sa Brgy. New Buswang, Kalibo, Aklan.
Batay sa report ng rumespondeng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, bandang 3:00 AM naganap ang insidente sa laot na sakop ng Capiz.
Sinabi ng mga awtoridad, pauwi na sana ang mga biktima mula sa isang linggong pangingisda ng tamaan ng kidlat ng kanilang bangka.
Sa lakas ng kidlat lumiyab ang bangka ng mga biktima at tinamaan sa ulo si Moreño na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Dinala naman sa ospital si Sandoval sanhi ng tinamong sugat sa likod at kanang braso. Mary Anne Sapico