Home METRO Mangingisdang tulak nalambat sa Navotas

Mangingisdang tulak nalambat sa Navotas

241
0

MANILA, Philippines – Kulong ang isang mangingisda na sangkot umano pagtutulak ng illegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation sa Navotas City.

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Renante Pinuela, nakatanggap ng impormasyon ang kanyang mga tauhan hinggil sa umano’y illegal drug activities ni alyas “Andoy”, 40, (SLI/pusher) ng E. Mariano St., Brgy. Tangos South.

Dahil dito, isinailalim ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa validation ang suspek at nang makumpirma na positibo ang report, ikinasa nila ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA.

Isa sa mga operatiba ng SDEU ang nagawang makipagtransaksyon kay alyas Andoy at nang tanggapin umano nito ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga tauhan ni Col. Pinuela dakong alas-10:30 ng gabi sa Goldrock St., Brgy., San Roque.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 4.99 gram ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P33,932 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at pitong pirasong P1,000 boodle money.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Selling of Dangerous Drugs) ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Rene Manahan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here