MANILA, Philippines – Muling humarap sa Department of Justice sina dating Department of Public Works and Highways District Engineer Brice Hernandez at Jaypee Mendoza ngayong Lunes, Disyembre 15 na kapwa bantay sarado ng mga awtoridad.
Ito ay kasunod ng panibagong preliminary investigation na ikinasa ng justice department kaugnay pa rin sa kaso ng maanomalyang flood control projects.
Paliwanag ni DOJ spokesperson Atty. Polo Martinez, hiwalay pa ito sa naunang limang kaso kung saan kabilang sa mga respondent sa dalawang flood control cases ay sina dating Senador Bong Revilla at dating mambabatas na si Zaldy Co.
Ayon pa kay Atty. Martirez, ang isinagawang preliminary investigation ay may kaugnayan sa Wawao Builders at Topnotch Construction.
Matatandaan na itinalaga ng Office of the Ombudsman ang DOJ para magsagawa ng preliminary investigation matapos itong ibalik sa kanila. Jocelyn Tabangcura-Domenden