Home METRO Manhunt sa suspek sa pagratrat sa sasakyan ng dalawang kabataan

Manhunt sa suspek sa pagratrat sa sasakyan ng dalawang kabataan

MANILA, Philippines – Naglunsad ng magkakahiwalay na manhunt operation ang mga pulis sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur para tugisin ang mga responsible sa pagpatay sa tatlong indibidwal kabilang ang isang babaeng empleyado ng pamahalaan nitong Huwebes, Nobyembre 14.

Iniulat ni Maguindanao del Sur, Lt. Col. Reggie Albellera, hepe ng Shariff Aguak police, na dalawang armadong lalaki ang rumatrat sa sasakyan lulan ang dalawang magpinsan na pawang menor de edad, sa Barangay Labu-Labu Mother bandang alas-5 ng hapon.

“The cousins were in a car when gunmen waylaid them. They both died on the spot,” saad sa ulat ni Abellera nitong Biyernes, Nobyembre 15.

Ang mga biktima, na pawang mga residente ng Mamasapano, Maguindanao del Sur, ay pauwi na sana mula sa Isulan, Sultan Kudarat nang mangyari ang pag-atake.

Hindi pa tukoy ng pulisya ang motibo sa pamamaril bagamat mayroon na silang ilang persons of interest.

Narekober sa crime scene ang mahigit 40 M16 rifle shells sa ambush site.

Kinondena ni Shariff Aguak Mayor Datu Akmad Mitra Ampatuan ang pag-atake at hinimok ang pulisya na magpatupad ng hakbang para maiwasan ang mga kaparehong insidente.

“The victims were minors, and it is very unfortunate that this happened during the celebration of Youth Month.”

Sa kaparehong araw, binaril-patay ng hindi pa tukoy na gunman ang isang babaeng empleyado ng Ministry of Public Works – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MPW-BARMM) sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Ayon kay Lt. Col. Roy Subsuban, hepe ng Datu Odin police, ang biktimang si Darlene Pacete, 36, ay maintenance section employee sa MPW-BARMM.

Binaril ito habang kumakain sa karinderya sa Barangay Tamontaka bandang ala-1 ng hapon.

“She sustained a fatal gunshot wound and died instantly. The suspect fled on a motorbike,” ani Subsuban.

Hindi rin tukoy kung ano ang motibo ng pagpatay. RNT/JGC