MANILA, Philippines – Inaasahan ang mapanganib na lebel ng heat index sa limang lugar sa bansa ngayong Biyernes, Abril 11.
Sa forecast ng PAGASA, posible ang 44 degrees Celsius ng heat index sa Sangley Point, Cavite City, at posible namang pumalo sa 43°C ang heat index sa Dagupan City, Pangasinan.
Samantala, makararanas naman ng 42°C na heat index ang mga sumusunod na lugar:
Tayabas City, Quezon
Roxas City, Capuz
Dumangas, Iloilo
Sa Metro Manila, posibleng makaranas ng 40 degrees Celsius na heat index sa NAIA Pasay City at sa Science Garden Quezon City ay aabot naman sa 38°C. RNT/JGC