Home ENTERTAINMENT Marco, tinawag na kagaguhan ang oil price hike!

Marco, tinawag na kagaguhan ang oil price hike!

110
0

Manila, Philippines – All set na si Marco Gumabao sa gaganaping Hydrox Fitness Competition this May 8 sa Hongkong.

Sumasabak nga sa matinding pagsasanay ang hunk actor in his native Camarines Sur kesehodang kasagsagan ng init ng panahon.

Ani Marco: “Thank you, Lord, for the strength. Malayo na, pero malayo pa.”

Aminado si Marco na kulang pa ang pag-uumeffort niya: “But I love running here in CamSur, grabe kahit sobrang init, ang sarap pa rin ng weather!”

Reding-ready na daw si Marco sa Gydrox solo open–in fighting form kumbaga.

Samantala, hinanapan ni Marco ng kunek ang nangyayaring oil price hike o pagsipa ng presyo ng gasolina sa ginagawa niyang training.

Nitong nakaraan ay pumalo na nga nang P170 ang bawat litro ng gasolina.

On Instagram, hindi napigilang magpakawala ng hanash si Marco: “Bakit ako nagpapalakas tumakbo?

“Dahil sa kagaguhan na ‘to!”

Obyus na ikinagagalit na din ng aktor ang nangyayari sa ekonomiya ng bansa.

May domino effect nga naman ang oil price hike sa mga pangunahing bilihin.

Tamah!

Nitong Martes ay nagkaroon ng malakihang rollback ngunit ayon sa mga tsuper ay hindi raw ito sapat. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here