Home NATIONWIDE Marcoleta ‘di ‘sinisingle-out’ sa plunder case – Remulla

Marcoleta ‘di ‘sinisingle-out’ sa plunder case – Remulla

3
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hindi isinasalang mag-isa si Senator Rodante Marcoleta sa inaasahang pagsasampa ng kasong plunder at iba pang kaugnay na reklamo, at sinabing nakabatay lamang sa ebidensiya at merito ang aksyon ng Office of the Ombudsman.

Sa kanyang talumpati sa Field Investigation Course nitong Martes, tinugunan ni Remulla ang mga isyung lumitaw kasabay ng protesta ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) sa EDSA laban sa inaasahang pagsasampa ng kaso laban kay Marcoleta.

Nag-ugat ang reklamo sa alegasyong hindi idineklara ni Marcoleta ang umano’y P75 milyong campaign donations na natanggap niya bilang public official noong Enero 2025.

“They are all waiting for us to act on complaints, act on cases that have to be filed, are being filed, and will soon be filed. Today, there is a big rally… commotion on EDSA. Our friends from the INC instigated it due to their feeling that Rodante Marcoleta is being singled out among other people,” ani Remulla.

“They all know that it is not true. When there is a motu proprio investigation, hindi na inaawat ’yan. Kasi may pupuntahan talaga ’yan,” dagdag niya.

Nilinaw ni Remulla na hindi siya ang nag-utos na simulan ang imbestigasyon at ito ay isinulong ng isang investigating team.

“I never instructed anybody to conduct such investigation. It was brought up by a team, and the work was good, so I said we will file the case,” aniya.

“The evidence is in front of you, might as well bring it to court,” dagdag pa niya.

Ayon sa Ombudsman, umano’y nagkaroon ng unjust enrichment si Marcoleta sa pagtanggap ng naturang donasyon habang nagsisilbing public official. Binanggit din ng tanggapan na ang buwis para sa donasyon ay nabayaran lamang noong Disyembre 2025, halos 11 buwan matapos umano itong matanggap noong Enero 2025.

Binigyang-diin din ni Remulla na walang sinumang opisyal ng pamahalaan ang ligtas sa imbestigasyon at pag-uusig kung may sapat na batayan.

“Mataas man o mababa, tatamaan sa atin pag mali ang ginawa. Pag may naliligaw ng landas, kailangan tayo ang magpakita at ituwid ang landas na bumabaluktot,” aniya.

Dagdag pa niya, ang patas at walang kinikilingang imbestigasyon ay nagpapatibay sa tiwala ng publiko sa mga institusyon ng pamahalaan at nagpapatunay na walang sinuman ang nakahihigit sa batas. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here