MANILA, Philippines – Sinabi ni dating presidential spokesman Harry Roque na kulang ng estratehiya ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Sa panayam, sinabi ni Roque na batay sa kasaysayan, ang China “will not allow further delivery” ng construction materials sa BRP Sierra Madre.
“But you know, there’s such a thing as diskarte. I do not believe that we did not deliver construction or repair materials, but it can be done in a manner that would not provoke the Chinese in a manner that they are being provoked now,” ani Roque sa panayam ng ANC.
Dahil dito ay iginiit niyang kulang lang sa malinaw na strategy ang administrasyong Marcos.
“Diskarte. That’s what is probably lacking now, which leads me to my next point — are we really wanting to provoke China to respond in a way that we know she will because we want the United States to come to our rescue under the Mutual Defense Treaty?.”
Sa kaparehong panayam, inamin ni Roque na nababahala siya dahil tila walang malinaw na polisiya si Marcos sa China.
Ito ay kasunod ng tanong sa kanya tungkol sa pinakahuling direktiba ni Marcos na bumuo ng body na magpapalakas sa maritime security ng bansa kasunod ng pinakabagong aksyon ng China sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
“Why is it only now that he is forming this office if he had a very clear idea of how we should proceed with Philippine-China bilateral relations?” tanong ni Roque.
Kung siya ang tatanungin, naniniwala si Roque na mas mainam na makinig mula sa ambassador ng bansa sa China dahil alam nito kung ano ang iniisip ng mga Chinese, alam makipag-usap sa mga ito at mas alam kung paano mareresolba ang gusot sa nasabing bansa.
Nauna nang ibinabala ng dating presidential spokesman na posibleng makuha sa Pilipinas ang Ayungin Shoal kung patuloy ito sa “hardline” stance nito. RNT/JGC