MANILA, Philippines – Nanguna sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng Pulse Asia si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasabay nito, nanguna rin sa listahan sina ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo at Tito Sotto.
Si Tulfo, ay nakakuha ng 57.1 percentage points, na sinundan ni dating Senate President Tito Sotto (51.8) at dating Pangulong Rodrigo Duterte (47.7).
Sinundan sila nina Senator Bong Go (44.2), Senator Pia Cayetano (37.7), at dating Senator Manny Pacquiao (33.7).
Bukod sa mga nabanggit, nakapasok din sa top 12 sa survey sina Senator Ronald Dela Rosa, Senator Imee Marcos, dating Manila Mayor Isko Moreno, broadcaster Ben Tulfo, Senator Ramon Revilla Jr., at Makati Mayor Abby Binay.
Bagama’t hindi nakaabot sa top 12 ay nakakuha rin ng mataas na preference sina dating Senator Panfilo Lacson, TV personality Willie Revillame, Senator Lito Lapid, at Dr. Willie Ong.
Ang mga respondents ay tinanong at pinapili ng 12 pangalan mula sa listahan, ng mga gusto nilang iboto para sa 2025 senatorial elections kung ito ay gaganapin ngayon.
Nauna nang sinabi ng Pulse Asia na ang survey ay isinagawa mula Marso 6 hanggang 10 sa 1,200 respondents. RNT/JGC