Home METRO 2 bangkay narekober sa drum na pinuno ng semento sa CamNorte

2 bangkay narekober sa drum na pinuno ng semento sa CamNorte

MANILA, Philippines – Nadiskubre ng mga awtoridad ang dalawang bangkay na isinilid sa loob ng drum na pinuno ng semento.

Ayon sa ulat, natagpuan ang drum sa isang ilog sa Labo, Camarines Norte.

Tanging ang ulo lamang ng mga ito ang nakita sa loob ng drum at ang katawan nila ay naisemento na sa loob ng drum.

Unang nakita ng mga residenteng nangingisda sa ilog ang naturang drum saka iniulat sa mga awtoridad.

Nagsasagawa ng masinsinang imbestigasyon ang pulisya kaugnay nito. RNT/JGC

Previous articleMarcos admin kulang sa diskarte sa Ayungin Shoal – Roque
Next articleF2F classes sa Pasay suspendido ngayong araw