Home NATIONWIDE Marcos sa pagso-sorry ni VP Sara sa KOJC members sa pakiusap na...

Marcos sa pagso-sorry ni VP Sara sa KOJC members sa pakiusap na iboto siya noong 2022: ‘That’s her prerogative’

MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “prerogative” ni Vice President Sara Duterte kung humingi man ito ng kapatawaran sa lahat ng miyembro, deboto at bumubuo ng Kingdom of Jesus Christ, sa paghikayat at pakiusap na iboto siya (Pangulong Marcos) ng mga ito noong 2022 presidential elections.

Iyon nga lamang, inamin ng Pangulo na hindi niya talaga maintindihan kung bakit.

“That is her wish, wala tayong magagawa,” ayon sa Chief Executive.

Sa kabilang dako, hindi naman itinanggi ng Punong Ehekutibo na wala na talaga silang komunikasyon ni VP Sara.

Sa kanyang pagkakatanda, ang huling pagkakataon na nagkausap sila ni VP Sara ay noong personal na iabot sa kanya ang resignation letter nito.

“No, none at all. None at all. The last time I spoke to her was when she handed me her resignation. We haven’t spoken since,” ang sinabi ng Pangulo.

Matatandaang kinondena ng mag-amang VP Sara at dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalakay ng mga pulis sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound noong nakaraang buwan kung saan pinaniniwalaang nagtatago ang kanilang lider na si  Pastor Apollo Quiboloy.

Nagtipon ang mga tauhan ng Philippine National Police sa KOJC compound sa Davao City para isilbi ang warrant of arrest kay Quiboloy, na nahaharap sa kasong human trafficking at sexual abuse.

Sa inilabas na pahayag ng Bise Presidente, humingi ito ng kapatawaran sa lahat ng miyembro, deboto at bumubuo ng Kingdom of Jesus Christ, sa paghikayat at pakiusap na iboto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022.

“Nais ko ring humingi ng kapatawaran sa lahat ng mi­yembro, deboto at bumubuo ng Kingdom of Jesus Christ, sa paghikayat at pakiusap ko sa inyong iboto si Bongbong Marcos Jr. noong 2022. Nawa’y mapatawad ninyo ako. You deserve better. Filipinos deserve better,” aniya.

Ayon kay Sara, ang “pang-aabuso” ay nangyari dahil ang akusadong si Quiboloy ay kilalang Duterte-supporter.

Ayon kay Sara, hindi siya tutol sa implementasyon ng anumang warrant of arrest kung naaayon sa batas.

“I vehemently condemn the gross abuse of police power in the takeover of the KOJC compound earlier today, which led to the harassment of religious worshipers, the abuse of minors, and the unnecessary loss of life,” pahayag pa ng bise presidente.

“These acts are not only a blatant violation of Constitutionally-protected rights but a betrayal of the trust that we, Filipinos, place in the very institution sworn to protect and serve us,” adagdag niya.

Sinabi naman ni dating pangulong Rodrigo Duterte na nakapanlulumo ang kalagayan ng Pilipinas ngayon.

Nanawagan din ang dating presidente sa mga natitirang disente at makabayang miyembro ng gobyerno na huwag hayaang gamitin at maging abusado sa pagpapatupad ng mga ilegal na kautusan.

Samantala, wala namang alam si Pangulong Marcos kung saan nag-ugat ang sinasabing planong sampahan ng impeachment complaint si VP Sara na tila’y ginagamit na kasangkapan ang budget hearing sa dalawang Kapulungan ng Kongreso.

“I don’t know where all of?? This is a budget hearing. Hindi naman pinag-uusapan yung… this is something that every single government agency has to do. It’s a hearing, there’s no politics in it,” ayon sa Pangulo.

“We do it every year, we do it with the same department, we do it…That process is well established, it has nothing to do with politics. It has to do with the budget so I don’t know how can she characterized these things, which is essentially an information gathering exercise for the House and for the Senate, so that they know what the budget will look like. So malayo sa politika yun,” dagdag na pahayag ng Pangulo. Kris Jose