Manila, Philippines- Ang Broadcast Sweetheart na si Marie Lozano ang headliner sa bagong lifestyle program ng Bilyonaryo News Channel’s titled “Lifestyle Lab.”
Sa nasabing documentary-style show ay tatalakayin ang mga topics tungkol sa health and wellness, beauty, and fashion in signature Bilyonaryo style of reporting and presentation. At hindi lang ito mapapanood sa free TV kundi maging sa digital world din.
Mapapanood ang new episodes ng show every Saturday at 10:00AM with repeats at 8:00PM, with replays on Sundays at the same time slots.
Matutunghayan din sa “Lifestyle Lab” ang hottest and most talked about treatments and products na tiyak na papatok sa mga manonood.
Ipapakita ng veteran journalist and aspirational star na si Marie ang mga latest trends at ibubuking din nito kung ano ang ‘hype’ at ‘real deal.’
Mula sa beauty and cosmetic product reviews, aesthetic treatment and pharmaceutical therapies, to experimental fashion, grooming tips and beyond, makakaasa ang viewers ng isang makabuluhang panoorin kasama ang glamorosang host na si Marie.
Samantala sa larangan ng negosyo, type dalhin ng Bilyonaryo News Channel ang business news reporting style sa mas malawak na audience along with its signature programs na sumasakop sa lahat ng base ng business landscape sa bansa.
Nakatakdang maglabas ang BNC ng bagong line-up ng mga programang tutugon sa kanilang followers sa pamamagitan ng mga business and corporate shows.
Ang mga bagong programa na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ay nakatuon sa mga pagbabalita ng news and significant stories na nakakaapekto sa estado ng mga negosyo at ekonomiya, gayondin ang mga in-depth analysis and discussions kasama ang mga industry leaders and experts sa mga pangunahing issues and insights on corporate and public policy. Nonie Nicasio