Home NATIONWIDE Maritime, agri cooperation tinintahan ng Pinas at Brunei

Maritime, agri cooperation tinintahan ng Pinas at Brunei

KAPUWA nilagdaan ng Pilipinas at Brunei ang kasunduan na naglalayong palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa.

Ilan sa memoranda of understanding na nilagdaan ay ang sektor ng maritime cooperation at turismo.

Isang letter of intent ukol sa agriculture cooperation ang nilagdaan din ng dalawang bansa.

Nauna rito, dumating si Pangulong Marcos sa Brunei kaninang alas-10 ng umaga, Mayo 28.

Mainit na tinanggap ni Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei si Pangulong Marcos sa Istana Nurul Iman royal palace bilang bahagi ng two-day visit ng huli.

Matapos ang arrival honors, kagyat na nagkaroon ng general audience si Pangulong Marcos kasama si Bolkiah at Kanyang Kamahalan Duli Raja Isteri Pengiran Anak Hajah Saleha.

Ito ang pangalawang pagkakataon na bumisita si Pangulong Marcos sa Brunei bilang Pangulo ng Pilipinas. Kris Jose