Home NATIONWIDE Mas maagang plebisito sa economic Cha-cha iginiit ng 4 solon

Mas maagang plebisito sa economic Cha-cha iginiit ng 4 solon

MANILA, Philippines – Apat na mambabatas ang kapwa nanawagan na magkaroon na ng maagang plebisito para sa pagratipika ng economic amendments sa 1997 Constitution.

Ang pahayag ay ginawa nina Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez, Bataan Rep Geraldine Roman, Zambales Rep Jeffrey Khonghun at La Union Rep Franciso Paolo Ortega kasunud ng naging pahayag ni veteran election lawyer Romulo Macalintal na ang pagsasagawa ng plebisito kasabay ng May 2025 ay unconstitutional.

Ayon kay Suarez noon pa man ay ipinanawagan na nito na huwag isabay ang midterm election sa plebisito dahil magkaiba ito.

“We cannot allow that the Constitution be tackled in the same level as midterm elections because mas mahalagang pag-usapan natin ang Konstitusyon, kaya dapat naka bukod po ito pagdating sa pagbobotohan” ani Suarez.

Dagdag pa Suarez sa naging paglilinaw ni Macalintal ay mas may legal nang basehan ang Kamara na isagawa ang plebisito ng mas maaga sa May 2025 election.

Sang-ayon din dito si Roman, aniya, maituturing na “counterproductive” kung magkasabay itong gagawin.

“It is also a reminder to our colleagues in the Senate that we would have to work with a sense of urgency. If the ultimate goal is basically to approve RBH (Resolution of Both Houses No.) 6, it should be approved at the time when we do not have to hold a plebiscite alongside the national elections,” ani Roman.

Ipinaliwanag ni Roman na kapwa aprubado naman ang Senado at Kamara na panahon na para baguhin amg economic provisions sa Saligang Batas, ang takot umano ng Senado na magkakaroon din ng political amendments ay walang basehan at hindi mangyayari.

“No politician in his right mind would actually try or even attempt to introduce political amendments when for the longest time, we have been assuring our friends in the Senate that we are only interested in amending the economic provisions,” ani Roman.

Samantala, sinabi ni Khonghun na lumg hiwalay ang gagawing botohan agmas maiintindihan ng taumbayan ang gagawing plebisito.

“Mahirap kung nadadamay sa pulitika ang ating Konstitusyon. Para ‘din maintindihan, maunawaan, at maisapuso ng ating mga kababayan”paliwanag nito.

Iginiit naman ni Ortega na mas tama lamang na bigyang prayoridad ang pagsasagawa ng plebisito hiwalay sa eleksyon. Gail Mendoza

Previous articleLibreng Mammo at Ultrasound sa kababaihan hirit ng solon
Next articleFrench Spiderman na umakyat sa mataas na gusali hinuli sa Makati