Home HOME BANNER STORY Mas mabigat na trapiko asahan sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 15...

Mas mabigat na trapiko asahan sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 15 — MMDA

6
0

MANILA, Philippines — Pinaghandaan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang inaasahang mas mabigat na daloy ng trapiko sa pagbubukas ng klase ng ilang private schools sa Hunyo 15.

Ayon kay MMDA chairman Don Artes, inaasahang tataas ang volume ng mga sasakyan, lalo na sa mga lugar na maraming private schools. Kabilang aniya sa posibleng maapektuhan ang Katipunan Avenue, na nakapagtatala ng dagdag na humigit-kumulang 14,000 sasakyan tuwing nagbubukas ang klase.

“Pag meron pong opening ng class, ay talaga pong sumisikip ‘yung daloy ng traffic. Katipunan alone, nagtatala kami diyan ng increase around 14,000 vehicles,” pahayag ni Artes.

“Ang peak noon during morning and evening ‘yung hapon papasok at uwian. At ganun din po sa lahat ng lugar kung saan may pribadong eskwelahan ‘yung naghahatid at sumusundo,” dagdag niya.

Milyun-milyong estudyante sa basic education schools ang nagbalik-eskuwela noong Hunyo 8, habang ilang private schools naman ang magsisimula ng klase sa susunod na linggo.

Para maiwasan ang matinding pagsisikip ng trapiko, sinabi ni Artes na magde-deploy ang MMDA ng traffic enforcers sa mga school zone at iba pang apektadong lugar.

“We’ll deploy naman po ‘yung ating mga enforcers to assist ‘yung mga estudyante and to manage ‘yung traffic para di na magbuhol- buhol ang traffic,” ani Artes. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here