Home LIFESTYLE HEALTH Record breaking na sobrang init, ibinabala ng siyentipiko

Record breaking na sobrang init, ibinabala ng siyentipiko

4
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang mga nangungunang siyentipiko na lalong tumitindi ang human-driven global warming, habang patuloy na lumalala ang mahahalagang climate indicators at nanganganib ang mga sistemang ginagamit sa pagmamanman sa kalagayan ng mundo dahil sa mga desisyon sa pondo.

Mahigit 70 siyentipiko, kabilang ang mga contributor sa UN’s Intergovernmental Panel on Climate Change, ang naglabas ng babala sa isang taunang pag-aaral na inilathala sa journal na Earth System Science Data.

“These indicators represent an essential monitoring of the vitals of a patient exhibiting ever increasingly troubling symptoms,” pahayag ni Peter Thorne, co-author at physical geography professor sa Ireland’s Maynooth University.

“They all rest upon a suite of global observation capabilities which are, for the first time in my lifetime, systematically either actively degrading or at risk,” ani Thorne, na deputy chair din ng Global Climate Observing System (GCOS), isang UN-backed Earth monitoring program.

Ayon sa pag-aaral, umabot sa humigit-kumulang 1.39 degrees Celsius above preindustrial levels ang global temperatures noong 2025, kung saan 1.37 degrees Celsius ay dulot ng human activities. Nagbabala ang mga siyentipiko na maaaring umabot sa 1.5 degrees Celsius ang human-induced warming pagsapit ng 2030.

Sa ilalim ng 2015 Paris climate accord, nagkasundo ang mga bansa na limitahan ang global warming sa well below 2 degrees Celsius at mas mainam kung sa 1.5 degrees Celsius upang maiwasan ang pinakamalalang epekto ng climate change.

Natuklasan din sa ulat na mabilis na naiipon ang init sa mundo, na nagpapalala sa energy imbalance ng planeta.

“Without human influence, it should be close to zero, but it has been growing since the 1970s and is now at a record high, doubling in recent decades,” pahayag ni study lead author Piers Forster, physical climate change professor sa University of Leeds sa Britain.

Ayon sa mga siyentipiko, mabilis ang pag-init dahil sa record-high greenhouse gas emissions at pagbaba ng aerosol pollution, na dati ay may cooling effect dahil nire-reflect nito ang sunlight. Nananatiling pangunahing sanhi ng global warming ang carbon dioxide emissions.

Bagama’t bumabagal ang emissions, maaaring maubos sa loob ng humigit-kumulang tatlong taon ang natitirang carbon budget para mapanatili ang warming below 1.5 degrees Celsius.

“Given that greenhouse gas emissions are still on the rise, keeping global warming below this (1.5C) threshold now seems unachievable,” ani Aurelien Ribes, climate scientist sa French meteorological service.

Nakita rin sa ulat na tumaas ng humigit-kumulang 23 sentimetro ang sea level mula 1901 hanggang 2025, at mas mabilis na itong tumataas sa 3.84 millimeters kada taon dahil sa pagtunaw ng land-based ice at pag-init ng karagatan. Higit tatlong beses na ring dumami ang marine heatwave days mula 1991, na umabot sa average na 65 araw noong 2025.

Nagbabala rin ang mga siyentipiko na nanganganib ang climate monitoring dahil sa geopolitical at public funding decisions, kabilang ang nabawasang pondo para sa UN’s World Meteorological Organization at panganib sa ilang satellite programs. Binanggit din nila ang desisyon ng Trump administration na alisin ang daan-daang deep-sea instruments at ang pagbaba ng on-site measurements sa Africa, west Pacific, at South America.

Ang mga instrumentong ito ay “incredibly critical” upang maunawaan kung paano sumisipsip ng init ang karagatan at kung paano nito naaapektuhan ang weather patterns at ocean circulation, ayon kay Samantha Burgess, strategic lead for climate sa European Centre for Medium–Range Weather Forecasts.

“We really need these in-situ observations to continue monitoring the climate,” ani Burgess.

Sinabi rin ni Burgess na kamakailan ay nawalan ng pondo ang eroplanong nagdadala ng atmospheric observing system sa United Kingdom.

“So it’s not just one nation, unfortunately,” dagdag niya. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here