MANILA, Philippines – Hiniling ni Cagayan de Oro Rep Rufus Roddruguez sa Department of Foreign Affairs(DFA) na higpitan ng pagbibigay ng student at Philippine Offshore Gaming Operators(POGO) workess visa sa mga Chinese nationals.
Ang mungkahi ni Rodriguez ay sa harap na rin ng patuloy na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China hinggil sa West Philippine Sea gayundin ang tensyon na dala ng pag iimbestiga ng Kongreso sa pagdami ng mga Chinese students na nagtatrabaho sa bansa.
“I am urging the DFA and our diplomatic posts in China to apply these stricter rules on all China’s nationals applying for whatever type of visa, whether they are businessmen, tourists, workers, or students,” pahayag ni Rodriguez na Commissioner ng Bureau of Immigration.
Una nang kinuwestiyon ang pagdami ng Chinese students sa Cagayan Province habang malaki din ang suspetsa na ang Mayor ng Tarlac ay may koneksyon sa China.
“Let us be on the lookout for Trojan horses among them,” ani Rodriguez.
Sinabi pa ni Rodriguez na maraming Chinese nationals na nakapasok ng bansa bilang POGO workers ang nasasangkot sa illegal na gawain kabilang ang murder, extortion, kidnapping at prostitution.
Ang pagban sa POGO ay una na rin ipinanukala ni Rodriguez, ang panukala ay aprubado na sa House Committee on Games and Amusement subalit hindi pa naisasalang sa Plenaryo. Gail Mendoza