Home METRO P1.7M shabu nasamsam sa 2 tulak

P1.7M shabu nasamsam sa 2 tulak

ILOILO CITY- Shoot sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng P1.7 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa probinsyang ito noong Sabado.

Ayon sa IPPO-Provincial Drug Enforcement Unit ang mga suspek ay kilala sa pangalan bilang Ian, 40, at Jason, 34, sa bayan ng San Dionisio, Iloilo City.

Nakuha sa mga suspek ang 250 gramo ng shabu na aabot sa halagang P1.7 milyon.

Sinabi ni Police Col. Bayani Razalan, IPPO officer-in-charge, sa loob ng isang ito ang pinakamaraming nasabat na shabu.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. Mary Anne Sapico